
Ipinaskil ngayong umaga sa gate ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Visayas Avenue, Quezon City ang anunsyo na bawal na ang walk in na bibili ng benteng bigas meron na simula sa April 13.
Dahil dito, ilang mga senior citizen ang nagpahayag ng pagkadismaya lalo’t wala naman silang cellphone at internet; maging paggamit umano ng cellphone ay hindi rin nila alam kung paano.
Nagsimulang pumila kaninang alas-tres ng umaga ang mga bibili ng bigas; kahit pa walang kasiguraduhan kung anong oras pa sila makakapasok gawa’t wala silang appointment.
Panawagan ng ilang benepisyaryo, tanggalin na ang online appointment system at pumila na lang sa labas ng Kadiwa Centers, dahil kahit may online appointment ay kailangan parin naman umanong pumila.
Facebook Comments









