WALK LIKE A MAN | Video ng gorilla na naglalakad na parang tao sa isang zoo sa Philadelphia, viral ngayon sa social media

Philadelphia – Viral ngayon sa social media ang isang gorilla sa isang zoo
sa Philadelphia dahil sa parang tao ito kung lumakad.

Ayon sa mga zookeepers, may hawak na kamatis ang 14-years old na gorilla na
si Louis nang makuhanan ito ng video ng isa sa mga guest nila.

Nabatid pa na madalas daw talagang naglalakad si Louis dahil ayaw daw
nitong madumihan ang mga knuckles o ang kaniyang mga kamay.


Bihira din ang katulad ni Louis dahil karamihan sa mga gorilla ay saglit
lang kung tumayo at ilang segundo lang din sila naglalakad.

Facebook Comments