iFM Laoag – Nagpakitang gilas ang mga local artist sa Ilocos Norte sa pamamagitan ng pagpipinta ng kanilang mga obra sa pader ng mga paaralan sa Laoag City.
Ayun kay Miss Angelie Maranan Banaag isang kilalang artist sa Pilipinas, ito raw ay isang paraan upang magkakulay ang mga cat-walk na ginagamit ng mga estudyante at guro sa araw-araw tuwing shool days.
Naniniwala si Angelie na sa pamamagitan ng sining maipapamukha sa mundo na may kulay at saysay ang lahat ng bagay. Nakakapag bigay pa daw ito ng pahinga sa mata at maiwasan din ang vandalism dito na ipinagbabawal sa batas.
Hinihikayat naman ng kanyang grupo ang mga gustong sumali na iba pang artist upang ibahagi din ang kanilang nalalaman.
Samantala, natuwa naman ang mga netizens dahil instagramable ito, marami naring gustong magselfie at groupie kahit hindi pa tapos ang ilan sa mga ito.
Bernard Ver, RMN News