COTABATO – Umabot nasa walong lalawigan at labing dalawang lungsod ang isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño sa bansa.Isa sa pinakamatinding naapektuhan ang Cotabato, kung saan umabot na sa isang bilyong piso ang halaga ng pinsala.Pinangangambahan pa itong madagdagan dahil posibleng sa Hulyo pa humina ang epekto ng tagtuyot.Iginiit naman ng Department of Agriculture na mas palalakasin nila ang kampanya laban sa El Niño.Samantala, bumaba ng lima hanggang sampung porsyento ang produksyon ng bigas sa bansa dahil sa matinding tagtuyot.Ayon kay National Food Authority Administrator (NFA) Renan Dalisay, base sa tala ng DA, nasa 200 metriko toneladang bigas na ang tinamaan ng El Niño.Sa kabila nito, nilinaw ni Dalisay na mananatiling stable ang presyo ng bigas sa merkado dahil sapat ang naangkat na bigas noong nakaraang taon.
Walong Probinsya At Labingdalawang Lungsod Sa Bansa, Isinailalim Sa State Of Calamity Dahil Sa Epekto Ng El Niño
Facebook Comments