Tuesday, February 3, 2026

WANTED NA INDIBIDWAL, NASAKOTE SA BUY-BUST OPERATION SA ALAMINOS CITY

Isang wanted person ang naaresto ng mga awtoridad matapos masamsaman ng limang gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Alaminos City, Pangasinan.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Alaminos City Police Station (CPS) sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Kinilala ang suspek na isang 24 anyos na delivery boy at residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang isang buy-bust operation laban sa suspek na nagresulta sa kanyang agarang pagkakaaresto.

Nasamsam mula sa kanya ang humigit-kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na ₱34,000.00, na nakapaloob sa apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na ginamit sa bentahan at pag-iingat ng ilegal na droga.

Bukod sa droga, narekober din ng mga awtoridad ang iba pang non-drug evidence.

Kasalukuyang nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments