Wanted na Magsasaka, Patay nang Manlaban sa mga Otoridad!

191

*Mallig, Isabela- *Patay ang isang wanted person matapos umanong manlaban sa mga pulis na naghain ng Warrant of Arrest laban sa kanya sa Brgy. San Jose Norte 1, Mallig, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), bandang 5:15 ng hapon, April 8, 2019 nang isilbi ng mga otoridad ang Mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC br 23, Roxas, Isabela kay Edwin Battung, 42 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. San Ramon, Mallig, Isabela.

Habang papalapit ang mga aarestong pulis kay Battung ay agad itong naglabas ng baril subalit naunahan na siyang paputukan ng mga pulis na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.


Si Battung ay may kinakaharap na kasong Carnapping.

Facebook Comments