Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga alagad ng batas ang isang babae na wanted person sa Masablang, Tabuk City, Kalinga.
Nagsanib pwersa ang Provincial Intelligence Unit (PIU)-Kalinga PPO, Tabuk City Police Station, First Kalinga Provincial Mobile Force Company (1st KPMFC), Criminal Invstigation and Detection Group (CIDG)-Kalinga, Regional Intelligence Unit (RIU)-14, at Regional Intelligence Division (RID)- PROCOR na nagresulta sa pagkakaaresto ni Joan Pinera Campos, 36 taong gulang at residente ng Masablang, Tabuk City, Kalinga.
Dinakip si Campos sa bisa ng mandamiento de aresto na inilabas ng isang hukom sa Tabuk City dahil sa kinakaharap na kasong paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2002.
Ayon sa ulat ng pulisya, sinampahan ng kaso ang suspek dahil sa pagpost nito sa social media na nagbabanta sa isang pamilya sa barangay Masablang.
Agad na dinala sa Tabuk City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at disposisyon.
Pansamantalang makakalaya ang suspek kung makakapagpiyansa ng halagang Php120,000.00.