Wanted sa kasong pagpatay, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay sa Brgy. Tambo, ParaƱaque City.
Kinilala ang nadakip na si Nicanor Rodriguez na may two counts ng kasong murder at frustrated murder na nangyari sa Naic, Cavite.
Hindi na nakapalag pa ang suspek nang matunton ito sa kaniyang pinagtataguang apartment kung saan mahigit isang taon rin itong nagtatago.
Kasalukuyan naman nasa ParaƱaque City PNP ang suspek at nakatakdang i-turn over sa Naic Regional Trial Court.

Facebook Comments