Wanted sa kasong statutory rape, naaresto

Dipolog City – Commitment order na lang ang hinihintay ng pulisya upang ma-turn over na sa Dipolog City Jail ang kanilang naarestong wanted person.

Kinilala ang suspek na si Feliciano Andilab Clamohoy, 64 taon gulang na taga purok 7, barangay Sta Isabel, Dipolog City.

Nahaharap si Clamohoy sa kasong statutory rape na walang kaakibat na piyansa.


Naaresto si Clamohoy sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Rogelio Laquihon ng Regional Trial Court Branch 7 sa Dipolog, pinetsahan June 28, 2013.

Nadakip si Clamohoy sa kanyang bahay at nakakulong na ngayon sa selda ng Dipolog City Police Station.

Facebook Comments