Wanted sa Kasong Tangkang Pagpatay, Arestado!

*San Manuel, Isabela- *Arestado na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 10 Most Wanted Person sa bayan ng San Manuel, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Ricardo Cansino, 63 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Sandiat East, San Manuel, Isabela.

Hinuli si Cansino sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela dahil sa apat (4) na beses na kasong Attempted Murder.


Dinala na sa San Manuel Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Pansamantalang makakalaya si Cansino kung makakapaglagak ng kanyang piyansa na tig-isangdaan at dalawampung libong piso (P120,000.00).

Facebook Comments