Nadine Lustre handang makipagsabayan ng “acting-ngan” kay Kathryn Bernardo

80

Game si Nadine Lustre sa posibilidad na magsama sila sa isang pelikula ni Kathryn Bernardo.

 

Say ni Nadine, hindi naman sila magkagalit ni Kath at okey naman sila in real life, kaya gusto din niyang may maganap na collaboration sa kanilang dalawa.


 

Nabatid na pinagkukumpara kasi sina Nadine at Kathryn bilang bagong henerasyon ng Nora Aunor at Vilma Santos.

 

Nagpapaligsahan din kasi ang dalawa para sa pagsungkit ng best actress awards sa iba’t ibang award-giving bodies.

 

Sa ngayon, kapwa abala sina Nadine at Kathryn sa kani-kanilang mga pelikula — ang “indak” ang kay Nadine, at “hello, love, goodbye” naman ang kay Kathryn.

Facebook Comments

From Advertisers