War on drugs magiging mas madugo

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mas madugo pa ang giyera ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa bansa.

Ayon sa Pangulo, mas magandang huminto na lang ang mga sindikato ng pagpapakalat ng ilegal na droga lalo na sa Visayas Region habang siya pa ang nakaupong Pangulo ng bansa.

Kinumpirma rin niya na galing sa Sinaloa Drug Cartel ang mga “floating cocaine” na narekober sa iba’t-ibang probinsya sa bansa.


Pinayuhan din ni Pangulong Duterte ang kilalang drug lord ng Visayas Region na si Peter Lim na magbigti na lang o magpakamatay na lang at huwag itong susuko sa kanya ng buhay.

Facebook Comments