WATER INTERRUPTION | Maynilad, pansamantalang isa-shutdown ang kanilang water treatment plant sa Muntinlupa City

Muntinlupa City – Simula sa June 06, Miyerkules, magpapatupad ng temporary shutdown ang maynilad sa kanilang Putatan Water Treatment Plant (PWTP) sa Muntinlupa City.

Paliwanag ng Maynilad, kailangang gawin ang shutdown dahil ang PWTP ay idudugtong sa bagong water treatment facility ng Maynilad na ginagawa sa lugar.

Sa sandaling matapos na ang interconnection, inaasahang magbabalik na sa normal ang serbisyo ng Maynilad sa mga customers nito sa southern portion ng west zone concession.


Dahil sa shutdown, asahan na ang water interruption sa maraming lugar sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, at Cavite mula alas 11:00 ng umaga ng June 6, 2018 (Miyerkules) hanggang alas 5:00 ng umaga ng June 8, 2018 (Biyernes).

Lahat ng apektadong customers ay pinapayuhan ng Maynilad na mag-ipon ng tubig.

Facebook Comments