BALIK-SHOWBIZ | Krista Miller, magbabalik showbiz matapos makulong dahil sa ilegal na droga

Manila, Philippines – Balak ng sexy star na si Krista Miller na bumalik sa showbiz matapos maabsuwelto sa kasong pagtutulak ng droga dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya.

Say ni Miller, ibang tao raw ang babaeng kinuhanan ng mug shot noon kumpara sa babaeng lumabas ng kulungan ngayon.

Susubukan raw niyang makabalik sa showbiz para maitaguyod ang kaniyang dalawang anak.


Pero sa ngayon, babawi raw muna si Miller sa panahong nahiwalay siya sa mga mahal niya sa buhay.

Naaresto si Miller noong Setyembre 2016 sa isang drug buy-bust operation sa isang gasolinahan sa Valenzuela City.

Facebook Comments