Inaasahang bubuti na ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa May 14.
Ayon kay Maynilad corporate communications head Jennifer Rufo, sinimulan na ang pagsasaayos ng algae proliferation sa Laguna de Bay.
Nagdagdag na aniya ng chemical dosing sa ilang strategic locations sa lawa.
Aniya, ang algae proliferation ay normal lang lalo na tuwing panahon ng tag-init kung saan wala masyadong nararamdamang pag-ulan.
Dahil dito, patuloy na nakakaranas ng water service interruption ang bahagi ng Las Piñas, Parañaque, Muntinlipa at maging sa Imus at Bacoor, Cavite.
Nagsimula ang water service interruption sa mga nasabing lugar noong April 29 at tatagal hanggang May 14.
Facebook Comments