Konstruksyon ng LRT-1 Cavite extension project, sisimulan na sa susunod na linggo

Sisimulan na sa susunod na linggo ang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 Cavite extension project.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa May 7 sisimulan ang extension project ng LRT-1 na magdudugtong sa Baclaran at Bacoor, Cavite.

Nakapaloob sa 11.7-kilometer railway extension project ang pagtatayo ng walong bagong istasyon.


Target ng DOTr at Light Rail Manila Corporation (LRMC) na matapos ang proyekto sa 4th quarter ng 2021.

Kapag natapos ang proyekto magiging 30 minuto na lamang ang byahe mula sa kasalukuyang isang oras at sampung minuto.

Facebook Comments