Weather Report

Patuloy pa ring umiiral sa bansa ang amihan at tail end of cold front.
 
Dahil dito, asahan ang isolated rain shower sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora at Quezon provinces.
 
Magiging mainit naman sa natitirang bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.
 
Asahan naman ang makulimlim na panahon sa Eastern at Central Visayas at Mindanao dahil sa tail end of cold front.
 
Samantala,  nakataas ang gail warning sa Northern seaboard ng Northern Luzon, Northern Coast ng Ilocos Norte, Cuyo at Coron Island sa Palawan, Southern Coast ng Mindoro provinces, Eastern Coast ng Quezon, Northern at Eastern Samar.
 
Sunrise: 5:54 am
Sunset: 6:08 pm
 

Facebook Comments