Dating South Korean President Park Geun Hye, inaresto

Inaresto si dating South Korean President Park Geun-Hye dahil sa kinakaharap nitong kaso.

 

Ayon kay Judge Kang Bu-Young, kaya nila ginawa ang pag-aresto ay para hindi niya masira ang anumang ebidensya nila.

 

Nahaharap ang dating Pangulo sa kasong abuse of power, pagtanggap ng suhol, at paglalabas ng mga importanteng impormasyon na sanhi ng kaniyang pagkatanggal sa puwesto.

 

Pansamantalang ito ay nakakulong sa Seoul Central District Prosecutors Office Building at hihintayin ang desisyon ng korte bago ito ilipat sa Seoul Detention Center.



Facebook Comments