Weather Report!

Manila, Philippines – Patuloy pa ring nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Visayas, Mindanao at sa malaking bahagi ng Palawan.
Magiging maulap at may moderate rain showers at thunderstorm na mararanasan sa rehiyon ng zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Western Visayas, Negros at gayun rin sa ilang bahagi ng bansa.
Sa metro manila ay magiging maulap at makakaranas ng isolated rainshowers at thunderstorm at ang agwat ng temperatura na mararamdaman ay aabot sa 26 hanggang 32 degrees Celsius.
Nagpaalala ang pagasa na maging maingat ang lahat sa posibleng landslide at flashflood sa mga nabanggit na lugar.
Sunrise:5:32AM
Sunset:6:29PM
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments