Weather Update!

Manila, Philippines – Asahan ang maulap na panahon sa malaking bahagi ng bansa.

Ito’y dahil sa umiiral na Low Pressure Area na nasa 440 kilometers, silangan ng Daet, Camarines Norte.

Dadaan ang LPA sa Central Luzon at walang tyansang maging isang bagyo.


Kasabay nito, binabantayan din ang severe tropical storm na may international name na ‘Talim’ na huling namataan sa layong 1,665 kilometers silangan ng Luzon.

Lumakas ang taglay nitong hanging aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugsong 115 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa kanluran sa bilis na 25 kph.

Kapag pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility ay tatawagin itong ‘Lani’.

*Sunrise: 5:44 ng umaga*
*Sunset: 6:00 ng gabi*

Facebook Comments