Weather Update!

Manila, Philippines – Maliit na ang pagkakataon na lumakas ang Low Pressure Area na nakakaapekto sa bansa.

Huling namataan ang LPA sa layong 40 km North, North-East ng Alabat, Quezon.

Pero, ayon sa PAGASA, asahan pa rin na ulan ngayong araw dahil patuloy na pinag-iibayo ng lpa ang habagat na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa Luzon at Western Visayas.


Mararanasan naman sa Central at Eastern Visayas ang isolated rain showers o thunder storms lalo na sa hapon at gabi.

Maganda naman ang panahon sa Mindanao.

Facebook Comments