Bulkan sa Indonesia, nagbabadyang sumabog

World – Libo-libong residente ang inilikas matapos na itaas sa pinakamataas na lebel ang banta ng pagputok ng Mount Agung na isang active volcano sa Bali, Indonesia.

Nagbabala na rin ang mga otoridad na iwasan muna ng mga turista at residente ang camping o hiking sa loob ng nine kilometer radius sa crater ng Mount Agung.

Ayon sa national disaster management agency, may indikasyon na sasabog ang bulkan anumang oras matapos na makitaan na may papalabas na magma sa ibabaw nito.


Facebook Comments