Weather Update

Manila, Philippines – Pinag-iingat ang ilang lalawigan sa Luzon dahil sa posibleng pagbaha dulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan.

Sa taya ng PAG-ASA, ito’y dahil sa umiiral na frontal system sa Luzon kaya asahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-uulan at pagkidlat sa Batanes Province, Ilocos at Cordillera regions.

Bukod sa pagbaha, posible rin itong magresulta ng landslides sa ilang area sa malaking bahagi ng nasabing rehiyon.


Maulap na kalangitan na may kasamang katamtamang pag-ulan at pagkidlat dahil naman sa southwest monsoon o habagat ang asahan sa Central Luzon at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley region.

Maaliwalas naman na panahon ang asahan sa Visayas at Mindanao.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 34 degrees Celsius.

*Sunrise: 5:26 ng umaga*
*Sunset: 6:21 ng gabi*
* DZXL558*

Facebook Comments