Weather Update

Manila, Philippines -Patuloy na umiiral ang frontal system sa extreme Northern Luzon.

Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Ilocos, Cordillera, at sa mga lalawigan ng Cagayan at Batanes.

Mataas din ang tyansa ng ulan sa silangan at kanlurang bahagi ng Visayas lalo sa Iloilo, Bacolod, Samar, at Leyte.


Magkakaroon naman ng thunderstorm sa Mindanao partikular sa Bukidnon, Lanao Delsur, Davao, at South Cotabato.

Sa Metro Manila, magiging mainit at maalinsangan ang panahon.

Temperatura sa Metro Manila: 28 – 34 degrees Celsius.

Heat index: 42 degrees Celsius

Sunrise: 5:26 ng umaga
Sunset: 6:21 ng gabi

DZXL558

Facebook Comments