WEATHER UPDATE | 2 bagyo binabantayan ngayon sa labas ng PAR

Dalawang bagyo ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Weather Bureau, huling nakita ang typhoon “Soulik” 1,670 kilometer east northeast ng northern extreme Luzon.

Habang ang tropical storm “Cimaron” ay namataan sa layong 2,965 kilometer silangan ng Luzon.


Sa ngayon, parehong walang direktang epekto ang dalawang bagyo sa bansa.

Asahan naman ang scattered rainshower sa Ilocos Region, Cordillera, Batanes, Babuyan Group of Island, Bataan at Zambales dahil sa habagat.

Dito sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Central Luzon, Mindoro Provinces, Palawan at Calabarzon ay makakaranas ng isolated rainshower at thunderstorm.

Sa Visayas at Mindanao ay magiging maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa localized thunderstorm sa hapon o gabi.

Samantala, nakataas ang “yellow rainfall warning” sa Bataan, Zambales, Pampanga at Bulacan.

Sa advisory ng PAGASA, asahan ang malalakas na ulan sa mga nabanggit na lugar na posibleng magdulot ng pagbaha.

Dahil sa masamang panahon, limang flights ng Airasia ang nakansela habang pitong byahe naman sa Cebu Pacific.

Hiniling ng mga kumpanya na makipag-ugnayan sa kanilang customer service team o bisitahin ang kanilang website para re-booking o refund.

Facebook Comments