Manila, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area na nagpaulan sa bansa.
Sa ngayon, isang ganap na tropical depression ang LPA na huling namataan sa kanluran ng Ilocos Sur.
Mabataa ang tyansa nitong bumalik sa PAR.
Pero palalakasin naman nito ang habagat na magdadala ng ulan sa Luzon lalo na sa MIMAROPA, Ilocos, Pangasinan at CALABARZON.
Sa Metro Manila, mataas pa rin ang posibilidad ng ulan pagdating ng hapon.
Makakaranas naman ng katamtaman at malalakas na ulan sa halos buong Visayas at Mindanao.
Ang temperatura ay maglalaro mula 26 hanggang 33 degrees Celsius.
*Sunrise: 5:26 ng umaga*
*Sunset: 6:25 ng gabi*
* DZXL558*
Facebook Comments