Weather Update

Manila, Philippines – Magdadala pa rin ng mainit at maalinsangang panahon ang ridge of High Pressure Area sa ilang bahagi ng Luzon.

Dahil dito, asahan ang maghapong pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa may Cordillera, Ilocos at MIMAROPA region sa Luzon.

Ganito din ang mararanasang panahon sa Visayas lalo na sa kanluran at gitnang bahagi.


Sa Mindanao, magkakaroon ng thunderstorm lalo na sa Sulu at Zamboanga Peninsula.

Sa Metro Manila ay asahan ang posibleng thunderstorm mamayang hapon hanggang sa araw ng Biyernes.

Ligtas naman makakapaglayag ang mga mangingisda dahil walang gale warning sa anumang baybayin sa bansa.

Temperatura mula 26 hanggang 34 degrees Celsius

Sunrise: 5:28 ng umaga
Sunset: 6:27 ng gabi

Facebook Comments