Binata, nahulog sa bubong dahil sa cellphone sa Ilocos Norte

14

Manila, Philippines – Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang isang binata matapos mahulog mula sa bubungan ng kanialang bahay sa Barangay Sarrat, Ilocos Norte.

Sa ulat, tumatawag ang biktimang si Jayson Carsolin, 21-anyos sa kasintahan nito nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Dahil dito, nawalan ng balanse si Carsolin dahilan para mahulog ito mula sa tuktok ng kanilang bahay.

Agad namang naitakbo sa hospital ang biktima at walang tinamong grabeng sugat ngunit kailangan pa ring sumailalim sa x-ray.

Facebook Comments