Manila, Philippines – Nanatili pa rin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa katimugang bahagi ng Mindanao.
Dala pa rin ng ITCZ ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan partikular sa bahagi ng Zamboanga Peninsula.
Sa Visayas, maulap na kalangitan ang asahan lalo na sa Panay at Negros Island.
Magiging maulan pa rin ang hapon o gabi sa Luzon lalo na sa Metro Manila.
Agwat ng temperatura sa kamaynilaan mula 25 hanggang 34 degrees Celsius.
*Sunrise: 5:29 AM*
*Sunset: 6:28 PM*
Facebook Comments