Weather Update!

Magandang panahon ang asahan ngayong linggo sa Northern at Central Luzon matapos makalabas ng bansa ang bagyong Huaning.

Pero nagbabala pa rin ang PAGASA sa epekto ng hanging habagat.

Ngayong araw, may mga panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila.


Habang may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos, Cordillera at mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Samantala, binabantayan ngayon ang panibagong bagyo na may international name na “Noru” na nasa silangan ng extreme Northen Luzon.

Huling namataan ang bagyo sa 1,760 kilometers northeast ng Basco, Batanes.

Tinatayang tatahakin nito ang direksyong pa-kanluran sa bilis na siyam na kilometro kada oras.

Facebook Comments