Manila, Philippines – Maulang panahon pa rin ang asahan sa hilaga at gitnang Luzon.
Ito’y dahil nakakaapekto pa rin ang southwest monsoon o habagat.
May mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Ilocos, Zambales at Bataan habang maulap naman ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Ang buong Visayas ay makakaranas din ng maulap na kalangitan.
Magandang panahon naman ang asahan sa buong Mindanao.
Pwedeng maglayag ang mga mangingisda dahil walang nakataas na gale warning sa anumang baybayin sa bansa.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees Celsius.
Sunrise: 5:40 ng umaga
Sunset: 6:22 ng gabi
Facebook Comments