Weather Update!

Manila, Philippines – Mas lalo pang lumakas at isa nang “severe tropical storm” si Isang habang gumagalaw pa-kanluran.

Nasa 90 kilometers per hour na ang lakas ng hangin ni Isang at may pagbugso itong 113 kph.

Dahil dito, asahan na ang maya-mayang pagbuhos ng malakas na ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas lalo na at pinalakas ng bagyo ang hanging habagat.


Naitala ang sentro ni Isang sa layong 220 kilometer kanluran ng Basco, Batanes.

Nakataas ngayon ang signal number 1 sa Batanes Group of Islands, Babuyan Group of Islands at Ilocos Norte.

Samantala, kinumpirma naman ni National Risk Reduction and Management Council Spokesperson Romina Marasigan na wala pang naitatalang pinsala sa bagyong isang at patuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon.

Facebook Comments