WEATHER UPDATE | Bagong LPA, binabantayan sa loob ng PAR

Binabantayan ang isang bagong Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Namataan ito sa layong 1,030 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Meno Mendoza – mababa ang posibilidad nito na maging isang bagyo.


Sa ngayong easterlies ang nakakaapekto sa halos silangang bahagi ng Mindanao.

Sa ngayon, maganda ang panahon sa halos buong bansa maliban na lamang sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Facebook Comments