ROAD ACCIDENT | 20 patay sa Limousine crash sa New York

Estados Unidos – Nasawi ang nasa 20 tao matapos masagasaan ng limousine sa New York.

Sa ulat, binabagtas ng 2001 Ford Excursion ang State Route 30 nang hindi ito huminto sa intersection at bumangga sa isang nakaparadang 2015 Toyota Highlander.

Ang 18 pasahero ng Limo ang driver ay dead on the spot kasama ang dalawang pedestrian na malapit sa nabanggang SUV.


Ipinapaalam pa sa pamilya ng mga biktima ang mga sinapit nito.

Inaalam pa ang dahilan ng aksidente.

Facebook Comments