Napanatili ni tropical storm Karding ang lakas nito habang kumikilos pa-hilagang silangan.
Huli itong namataan sa layong 1,255 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
May lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kilometro kada oras.
Mabagal ang kilos sa 10 kilometers per hour.
Ang isang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa West Philippines Sea ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang bagyong Karding at LPA ay patuloy na pinalalakas ang hanging habagat na magdadala ng kalat-kalat na katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Northern at Central Luzon
Mapanganib pa ring maglayag sa western seaboard ng Luzon.
Sunrise: 5:41 ng umaga
Sunset: 6:22 ng gabi
Facebook Comments