Wala nang epekto sa bansa ang typhoon Mangkhut o bagyong Ompong na ngayon ay nananalasa sa Mainland China.
Pero dalawang weather system ang nakakaapekto sa bansa.
Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Meno Mendoza, una ay ang hanging habagat na hinahatak ng bagyong Ompong at ang ikalawa ay ang ridge ng High Pressure Area (HPA).
Ibig sabihin, kapag may HPA ay asahan ang magandang panahon sa halos buong Luzon kasama ang Metro Manila.
Maaliwalas na rin ang panahon ang asahan sa Visayas at Mindanao.
Pero inaasahan pa rin ang mga localized thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa.
Facebook Comments