WEATHER UPDATE | Bagyong Queenie, bumilis at lalo pang lumakas

Bumilis at lalo pang lumakas ang bagyong “Queenie” habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Alas 10:00 kaninang umaga huling namataan ang bagyo sa layong 1, 130 kilometers silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

May lakas ito ng hanging aabot sa 200 kilometers per hour at pagbugsong 245 kph.


Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 20 kph.

Nagdadala ngayon ang bagyo ng mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-ulan sa Bicol Region, Cagayan Valley, Eastern Visayas, Aurora at Quezon.

Habang sa nalalabing bahagi ng bansa kasama ang Metro Manila magkakaroon ng maulap hanggang sa mas maulap na kalangitan na may isolated rainshower at thunderstorm.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Biyernes, October 5.

Facebook Comments