Humina pa ang bagyong Rosita habang papalapit ng kalupaan.
Namataan ito sa layong 540 kilometers silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
Taglay ang lakas ng hanging nasa 170 kilometers per hour at pagbugsong nasa 210 kph.
Bumabal din ito sa 15 kph na kumikilos sa direksyong pa-kanluran.
Nakataas ang tropical cyclone warning signals sa mga sumusunod:
Signal number 2
Cagayan
Isabela
Aurora
Quirino
Polillo Island
Signal number 1
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Abra
Apayao
Benguet
Ifugao
Kalinga
Mountain Province
Batanes
Babuyan Group of Islands
Nueva Vizcaya
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Northern Quezon
Rizal
Bulacan
Metro Manila
Laguna
Batangas
Bataan
Zambales
Cavite
Camarines Norte
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – pinaghahanda ang mga kababayan natin sa silangang bahagi ng hilaga at gitnang Luzon sa malalakas na ulan dala ng bagyo mamayang gabi.
May banta ng storm surge sa baybayin ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Isabela at Aurora.
Bukas, October 30 ay inaasahang unang tatamaan ng bagyo ay ang Isabela-Aurora area.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Miyerkules, October 31.