WEATHER UPDATE | Bagyong tomas, muling pumasok ng PAR at humina dahil sa hanging amihan

Nag-“re-entry” o muling pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang severe tropical storm Tomas.

Huli itong namataan sa layong 1,410 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour at pagbugsong nasa 135 kph.


Kumikilos ito hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – humina ang bagyo dahil sa hanging amihan.

Wala itong direktang epekto sa bansa at mababa ang posibilidad na tumama ito ng kalupaan.

Dahil dito, asahan ang magandang panahon sa buong bansa ngayong araw.

Facebook Comments