WEATHER UPDATE | Bagyong Urduja, nag-landfall na sa San Policarpio, Eastern Samar

Manila, Philippines – Bahagyang bumilis ang bagyong Urduja habang patuloy na nagbabanta sa probinsya ng Samar at Sorsogon.

Kumikilos na ngayon si Urduja sa bilis na 15 kilometro bawat oras pa silangan.

Namataan ngayon ang sentro ng bagyo sa layong 75 kilometers, hilaga hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar.


May dala ito ng lakas na hangin na aabot sa 80 kph at may pagbugso ng hangin na 110 kph.

Si Urduja ay inaasahang magla-landfall mamayang hapon sa bahagi ng Northern o Eastern Samar.

Nadagdagan na ang mga nasa ilalim ng public storm signals.

Nakataas ang signal # 2. Sa Albay, Sorsogon, Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands, Romblon, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Aklan, Capiz at Northern Iloilo.

Habang nasa signal # 1 naman ang Southern Quezon, Mindoro, Marinduque, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Cuyo Islands at Calamian Group of Island, Antique, ilang bahagi ng Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Northern Negros Oriental, Cebu, Northern Bohol, Southern Leyte at Dinagat Island.

Pinag-iingat pa lalo ang mga nasa mabababang lugar dahil sa bahang dulot nito, bunsod ng malakas na buhos ng ulan.

Posibleng lumabas ang bagyo sa bansa sa araw pa ng Miyerkules.

Facebook Comments