Dalawang weather system ang umiiral ang bansa.
Una ay ang easterlies na nakakaapekto sa silangang bahagi ng bansa na maghahatid ng mainit at maalinsangang panahon.
Ikalawa ay ang northeast monsoon o hanging amihan na patuloy na lumalakas sa dulong hilagang Luzon.
Ang buong Luzon kasama ang Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon maliban sa mga pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Sa Visayas, mainit at maalinsangan subalit may mga pag-ulan sa Samar, Leyte, Cebu at Bohol.
Maganda rin ang panahon sa nalalabing bahagi ng Mindanao maliban sa Caraga at Davao Region na may kalat-kalat na pag-ulan.
Nakataas ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Ilocos Provinces, La Union at Pangasinan.
Facebook Comments