ABSWELTO | Bong Revilla, nakauwi na sa kanilang bahay

51

Nakauwi na sa Cavite si dating Senador Bong Revilla matapos siyang mapawalang sala ng Sandiganbayan sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Pasado alas-6:00 kagabi nang makalabas si Revilla sa PNP Custodial Center sa Kampo Krame matapos ang halos limang taong pagkakakulong.

Sinalubong siya ng daan-daang tagasuporta na noong isang gabi pa nagvi-vigil sa kanilang bahay at agad siyang nagbigay ng ilang pahayag.

Nagpasalamat si Revilla sa mga natanggap niyang suporta.

Hindi rin naiwasan ng dating mambabatas na maging emosyonal, iginiit niya na patuloy silang lalaban.

Para sa misis ni Revilla na si Bacoor, Cavite Mayor Lani Mercado – ito na ang pinakamasayang Pasko ng pamilya.

Nanawagan din si Mercado sa mga bumabatikos na dapat igalang ang desisyon ng Sandiganbayan.

Bago umuwi, dumiretso ang pamilya Revilla sa isang simbahan para magdasal saka dinalaw ng dating senador ang kanyang ama na si Ramon Revilla Sr.

Facebook Comments