WEATHER UPDATE | Ilang bahagi ng Luzon at Visayas, uulanin ngayong araw

Ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang uulanin ngayong araw dahil sa epekto ng hanging habagat at ng isang Low Pressure Area (LPA).

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 100 kilometro silangan-timog-silangan ng Casiguran, Aurora pero mababa ang tsansa nito na maging bagyo.

Dahil sa habagat, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa MIMAROPA, Bicol Region at Western Visayas.


Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan naman ang maaliwalas na panahon maliban na lamang sa mga pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.

Kaninang alas-4:10 ng madaling araw ay naglabas ng naman ng thunderstorm warning ang PAGASA kung saan nakakaranas ng pag-ulan na may kasmang pag-ulan at malakas na hangin ang Metro Manila, Cavite, Batangas, Bulacan, Bataan at Zambales na magtatagal hanggang alas-7:10 ngayong umaga.

Sunrise: 5:38am
Sunset: 6:26pm

Facebook Comments