Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na nagpaulan sa Visayas, Mindanao at Palawan.
Huli itong namataan sa layong 435 kilometers kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.
Subalit ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Gener Quitlong – ang buntot o ‘trough’ ng LPA ay magpapaulan pa rin sa Palawan at ilang bahagi ng Kabisayaan.
Asahan ding gaganda na muli ang panahon ang mga lugar na tinamaan ng LPA.
Ang Ilocos Region, Cordilerra at Cagayan Valley ay may panandaliang ulan dulot ng hanging amihan.
Ang natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon.
Facebook Comments