Manila, Philippines – Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa silangan ng hinatuan ng Surigao Del Sur pero mababa ang tsansa na maging bagyo.
Hangin amihan pa rin ang patuloy na nakakapaekto sa hilaga at gitnang Luzon kaya’t asahan na ang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley Region at Aurora Province.
Sa Metro Manila, Ilocos Region at sa iba pang bahagi ng gitnang Luzon ay asahan na ang bahagyang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan.
Sa Mindanao at silangan Kabisayan ay makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm na dulot ng LPA.
Sunrise: 6:24am
Sunset: 5:56pm
Facebook Comments