Patuloy na uulanin ngayong araw ang Kabisayaan at Mindanao.
Ito ay dulot ng Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa layong 900 kilometers silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Mababa pa rin ang posibilidad nito na maging bagyo at posibleng malusaw bukas o sa linggo.
Apektado rin ng LPA ang Katimugang Luzon lalo na sa Bicol Region at Mimaropa.
Dominante pa rin ang hanging amihan na nagdadala ng malamig na panahon sa Hilagang Luzon.
Facebook Comments