KUMPLIKASYON | 10-anyos na batang babae, patay matapos sumailalim sa FGM

Sierra Leone – Patay ang isang 10-taong gulang na batang babae dahil sa mga kumplikasyon matapos sumailalim sa Female Genital Mutilation o FGM.

Ang FGM ay isang ritwal kung saan tinatapyas ang labas na bahagi ng ari ng babae partikular ang clitoris o labia nito katumbas nito ang pagtuli sa mga kalalakihan.

Ang biktima ay isang primary school student sa Matatie Village at namatay ito habang isinasagawa ang initiation sa kanya ng secret women’s society.


Hawak na ng mga awtoridad ang isa sa mga initiator at nangakong tutulong sa imbestigasyon.

Hinahanap pa ang ibang sangkot maging ang ina ng biktima.

Sa datos ng Unicef, 90% ng mga kababaihan may edad 15 hanggang 49 ay sumasailalim sa FGM sa Sierra Leone.

Facebook Comments