Hinahatak ng Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng bansa ang hanging habagat.
Ito ay huling namataan sa layong 820 kilometers, silangan ng Basco, Batanes.
Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Ariel Rojas, mataas ang posibilidad na maging isang tropical depression ang LPA.
Kapag naging bagyo ay tatawagin itong ‘Neneng’.
Ramdam ang epekto ng habagat sa buong lalawigan ng Palawan na makakaranas ng katamtaman hanggang sa paminsan ay malalakas na ulan.
Sa nalalabing bahagi ng Mimaropa, kasama ang Cavite, Batangas at Bicol Region ay magkakaroon ng thunderstorms.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, maganda ang panahon pero may pag-ulan sa hapon o gabi.
Maghapon ang ulan sa Western at Eastern Visayas.
Maganda naman ang panahon sa buong Mindanao pero asahan ang localized thunderstorms.