KILIG OVERLOAD | Angelica Panganiban, inaming 2 beses silang nagkaroon ng relasyon ni Carlo Aquino

247

Manila, Philippines – Inamin ngayon ni Angelica Panganiban na dalawang beses silang naging mag-on ni Carlo Aquino.

Noong una, anim na taon silang maging mag-boyfriend kung saan matapos ang kanilang paghihiwalay ay muli silang nagkabalikan pero hindi na idinetalye pa ni Angelica kung kailan ito nangyari.

Say ng aktres, naging masugid daw ang panunuyo ni Carlo kaya at pumayag itong makipagbalikan pero nauwi din sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Bagaman at nagkahiwalay, nanatili naman close friends ang dalawa hanggang sa ngayon.

Bukod dito, inihayag naman ni Carlo na kasalukuyan pa rin niyang iniingatan ang mga gamit na ibinigay ni Angelica noong sila pa dahil itinuturing niya ito bilang isa sa mga happy memories niya.

Nang tanungin kung pwede pa silang magkabalikan, sinabi ni Angelica na pwedeng mangyari yun pero hindi naman daw nanliligaw si Carlo.

Facebook Comments