WEATHER UPDATE | Malaking bahagi ng bansa, patuloy na uulanin dahil sa LPA

Patuloy na uulanin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa epekto ng Low Pressure Area (LPA).

Huli itong namataan sa layong 185 kilometers silangan ng Davao city.

Pero ayon kay PAGASA weather forecaster Bennie Estareha – mababa na ang tiyansa na maging bagyo ito sa susunod na dalawang araw.


Gayunman, asahan pa rin ang katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan sa CARAGA, Davao, Northern-Mindanao at Eastern Visayas kung saan posibleng magkaroon ng pagbaha at landslide.

Habang sa natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao, makararanas ng mahinang pag-ulan at thunderstorm na lalakas sa mga susunod na araw habang papalapit sa kalupaan ang LPA.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon – asahan ang bahagyang maulap hanggang sa mas maulap na kalangitan at isolated light rains.

Facebook Comments